MMDA nakaalerto kay 'Santi'

MANILA, Philippines - Dahil sa leksyong natu­tunan sa bagyong Ondoy, nakataas na ang red alert sa lahat ng ta­uhan ng Metropolitan Ma­nila Deve­lop­ment Autho­rity (MMDA) sa ina­asa­hang pagpasok nga­yong Sabado ng bag­yong Santi sa Metro Manila.

May 700 tauhan ng ahen­­sya ang naka-stand-by sa loob ng 24 na oras mula alas-4 nga­yong ma­daling-araw at nakahan­dang tumalima sa anu­mang emergency.

Ipopo­sis­yon ang mga ito sa Ma­kati, Timog, C-5, Or­tigas Avenue at iba pang istra­tehikong lugar sa Metro Manila upang mag­sa­gawa ng “clearing, res­cue, relief at evacua­tion operations”.

Dinagdagan na rin umano ang bilang ng mga tauhan sa kanilang Metro­base traffic and Monitor­ing Center para sa ina­asa­hang pagdagsa ng mga paghingi ng saklolo. Maa­aring maka­ta­wag ang publiko sa kanilang hotline number na 136.          

Nag-isyu na rin ng “di­saster alert advisories” ang MMDA sa lahat ng lokal na pamahalaan upang mag­sagawa rin ng kani-kanilang pagha­handa para sa kaligtasan ng kanilang mga resi­dente. (Danilo Garcia)

Show comments