Binata todas sa pamamaril

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata ng miyembro ng isang gang makaraang pagbabarilin sa ulo ng isa sa apat na kalalakihan sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Leonard Ma­rasigan, 19, binata, miyembro umano ng Batang City Jail, at residente ng Kala­yaan-B, Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Ilang oras ding nakipaglaban kay ka­ma­tayan si Marasigan sa General Malvar Hospital ngunit binawian din ito ng buhay dakong alas-12:10 ng madaling-araw. 

Ayon sa ulat, wala pang nakukuhang impormasyon ang pulisya hingil sa mga suspek kung saan posibleng mga kaaway ng kanilang grupo.

Nangyari ang insidente ganap na alas-9 ng gabi malapit sa bahay ng nasawi.

Mula sa likuran ng biktima ay sumulpot ang apat na suspek kung saan isa sa mga ito ang may bitbit ng baril at pinaputukan ng tatlong beses sa ulo ang una.

Matapos ang pamamaril ay nag­ kanya-kanyang sibat ang mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ang sakay ng isang motorsiklo.Patuloy ang imbesti­gasyon ng awto­ridad sa nasabing in­sidente. (Ricky Tulipat)

Show comments