MANILA, Philippines - Dahil sa amoy pawis, nakaligtas sa kamay ng manyakis na parking boy ang isang 19-anyos na dalaga matapos na dalhin ang una sa isang apartelle para gahasain kahapon ng madaling-araw sa lungsod Quezon.
Ito ang nabatid makaraang personal na magtungo sa himpilan ng Quezon City Police District- Station 10 ang biktimang iti nago sa pangalang Angel, ng Rodriguez, Rizal para humingi ng tulong laban sa suspek na si Crizen Gamboa, 26, binata ng Rd. 10, Lot 15, Area 6, Edsa.
Ayon sa biktima, nangyari ang insidente nang humingi siya ng tulong sa suspek para magpa-charge ng cellphone battery.
Nagkusa naman ang suspek at inalok ang biktima na sumama sa kanya sa Season apartelle sa Sct. Delgado St., Barangay Laging sa Quezon City upang doon mag-charge ng kanyang cell phone.
Pagpasok sa loob ay bigla na lamang umanong tinakot ng suspek ang biktima sabay puwersang paghubarin siya ng damit at paghahalikan.
Sinabi ng biktima na, nang magawi ang halik ng suspek sa kanyang kaselanan, nilansi niya ito at pinakiusapan na pupunta muna siya sa banyo para hugasan ito dahil amoy pawis siya.
Pumayag naman ang suspek ngunit pagtayo ng biktima ay agad nitong binuksan ang pinto ng kuwarto saka mabilis na tumakbo papalayo hanggang sa humingi ng tulong sa barangay tanod. (Ricky Tulipat)