MMDA pinagpapaliwanag sa drainage outflow

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ni Kon­sehal Bernadette ‘BH’ Herrera-Dy ng Distrito Uno, Quezon City ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng pag-apruba umano nito sa drainage outflow plan ng isang mall sa North Triangle area ng nabanggit na siyudad.

Ito’y matapos na hilingin ng pamunuan ng Embassy Garden­homes Condominium Corp. (EGCC) sa tanggapan nina 1st District Councilor Bernadette Herrera-Dy at Brgy. Capt. Ben Sia ng West Triangle na pa­imbestigahan ang drainage system ng naturang mall na umano’y dahilan ng pagbaha sa kanilang lugar sa kasag­sagan ng pananalasa ng bagyong “Ondoy” na nagresulta naman sa pagkakasira ng ilang ari-arian, pagkatakot, pagkakasakit at pagkakasugat ng apekta­dong mga residente.

Sa liham na ipinadala ni Herrera-Dy kay MMDA Chair­man Bayani Fernando, sinabi niyang kinakailangang linawin ng ahensya ang pagkaka­apruba sa drainage outflow plan ng mall. Bago pa ang liham ng EGCC, nag-privilege speech na si Herrera-Dy sa regular na sesyon ng Sangguniang Pan­lung­sod noong Sept. 28, 2009 at dito ay isiniwalat niya ang po­sibilidad na malaki ang na­ambag ng drain­ age outflow plan sa malawakang pagbaha sa mga barangay ng West Tri­angle, Philam, Bungad, Paltok at ilan pang kalapit na lugar.

Show comments