Inggitan sa basura, 1 todas

MANILA, Philippines - Hinihinalang dahil lamang sa inggitan sa kinikita sa pa­ngongolekta ng basura, napatay sa saksak ang isang 48-anyos na basurero ng mga kabaro nito sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ronaldo Curbano, ng 71 Jacinto St., Tondo, Maynila dahil sa tina­mong mga sugat sa katawan. Tinutugis pa ang dalawang suspek na hindi pa alam ang pagkilanlan. Ayon sa ulat, dakong alas-4:15 ng umaga nang ma­ganap ang insidente   sa kanto ng Vitas at Jacinto Sts., Tondo. Ikinakarga umano ng biktima ang mga nakolek­ta niyang basura nang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagsa­saksak ito. Mabilis namang dinala sa ospital ang biktima ng kanyang kapatid pero hindi na umabot nang buhay. (Ludy Bermudo)

Show comments