Korean student tumalon buhat 24th floor, lasog

MANILA, Philippines - Isang Korean student ang nasawi makaraang tumalon mula sa ika-24 na palapag ng isang condo­minium sa lung­sod Que­zon kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Yong Hoon-Yu, 30, binata, 1st year Hotel and Restaurant Management student sa Tri­nity Univer­ sity of Asia College at residente ng Unit 311, Garden Heights condo­minium sa E. Rodri­guez Avenue sa lungsod.

Ayon kay Superinten­dent Edgardo Pamitan hepe ng Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD), suicide ang tinitingnan nilang mo­tibo ng pagkamatay ng da­yu­han base sa ilang tes­tigo na nakakitang umakyat itong mag-isa mula sa nasabing pa­ lapag.

Magkagayunman, ayon pa kay Pamitan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng ka­­nilang tanggapan upang ma­siguro ang tunay na da­hilan ng nasabing in­sidente.

Ganap na alas-10:30 ng umaga nang umano’y tu­ma­lon mula sa nasabing palapag ang biktima ma­tapos na lumabas ng kan­yang silid na nasa ikatlong palapag.

Ayon sa empleyado ng gusali, nakita niya ang bik­tima na sumakay ng ele­vator saka nagpahatid sa 24th floor nito.

Nang marating ang na­sa­bing palapag ay saka nagpa­gala-gala sa na­sabing lugar. Hanggang makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang may nagsabing may lalaking tumalon sa gusali at nang kanilang tignan ay ang nasabing biktima.

Nabatid na palagi uma­nong nag-iisa ang biktima at hindi nakikisalamuha maging sa kanyang mga kaklase. Posible umanong may dina­dalang malaking problema ang nasawi na naging dahilan nang pagpapakamatay nito.

Show comments