Pulis, 1 pa sugatan sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis at kasama nito ma­karaang paulanan ng bala ng baril ng dalawang ar­ma­dong suspek lulan sa motorsiklo, kamakalawa ng gabi .

Kinilala ang mga bik­tima na sina PO3 Chris­topher Henry Vargas, 39, nakata­laga sa Maritime Group ng PNP at kalugar nito na si Jovy Abenir, 33.

Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at gina­gamot sa hiwalay na pa­gamutan.

Base sa imbestigas­yon, ganap na alas-8 ng gabi nang paulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima habang naka­tayo at nagkukuwentuhan sa may Feria Road sa na­sabing lugar.

Ayon sa mga naka­saksi sa insidente, bigla na lamang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at walang sabi-sabing pi­nagbabaril ang nabiglang sina PO3 Vargas at Abenir.

Makaraan ang pama­maril, mabilis na tumakas ang mga suspect. Inaalam pa ang motibo sa insi­dente. (Angie dela Cruz)

Show comments