Evacuees sa Muntinlupa, nagkakasakit na

MANILA, Philippines - Naalarma ang pamahala­ang lungsod ng Muntinlupa hinggil sa pagkalat ng mga sakit tulad ng alipunga, dengue at leptospirosis sa mga evacuation center na posible aniyang ma­ging epidemya sanhi ng sob­rang congested at prob­lema sa palikuran dahil sa pa­tuloy na paglobo ng mga eva­cuees kung saan ilang bata na ang nagkakasakit.

Ito ang inihayag ni Muntin­lupa City Mayor Aldrin San Pedro kasabay ng mariing pana­wagan at paghingi nito ng saklolo sa national government.

Nabatid na may 9 na ba­rangay sa lungsod at walo rito ang labis na naapektuhan ng nabanggit na kalamidad, kung saan mayroon itong 8 evacua­tion centers na kinabibilangan ng mga pampublikong paara­lan, cover court at simbahan.

Sa record ng Local Disaster Coordinating Council ng Mun­tinlupa City Hall, nabatid na mahigit 3,000 pamilya ang umu­okupa sa mga nabanggit na evacuation center.

Inaasahang lolobo pa ang mga evacuees dahil sa inaasa­hang bagyong Pepeng.

Nabatid na ilang mga bata na aniya ang may mga sakit na lagnat, ubo at bulutong, sa­man­tala, ang ilang matatanda ay may alipunga. (Lordeth Bonilla)

Show comments