MANILA, Philippines - Apat na pinaniniwalaang aborsiyonista ang nabitag sa isinagawang entrapment operation ng Manila Police District-District Intelligence Division, kamakalawa ng hapon, sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Dionila Santos, 59, alyas “Mommy,” lider umano ng grupo; Rachelle Montibon, 31; Lorna Arabis, 30 at Ma. Dalia Napa, 35.
Ang apat ay naaresto sa loob ng bahay ni Napa dakong alas-4:30 ng hapon ng mga tauhan ng MPD-DID bunsod ng impormasyong nagtuturo sa apat na responsable sa serye ng abortion sa Maynila.
Isang police asset na alyas “Grace” , buntis, ang ginamit sa entrapment.
Habang ikinakabit na umano ang mga medical paraphernalias sa pagpapalaglag ng sanggol ni Grace, sumalakay na ang mga tauhan ng pulisya sa loob ng bahay ni Napa, kung saan isinasagawa ang aborsiyon.
Ipinagharap na ng ka song paglabag sa Article 259 ng Revised Penal Code o Abortion ang apat na suspek. (Ludy Bermudo)