Binatilyo nalitson sa kawad ng kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-an­yos na binatilyo makara­ang malitson ang katawan nito nang makuryente sa “high-tension wire” ng Manila Electric Company (Meralco) na tinangkang pu­tulin nito, kahapon ng ma­­daling-araw sa Las Piñas City. Nakilala ang nasawi na si Armado Ramos, ng Block 4 Lot 28 Segundo Street, Saint Joseph Sub­division, Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Piñas.

Sa ulat ng Las Piñas police station, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente ma­lapit sa bahay ng bik­tima. Nagulat na lamang ang mga residente nang makarinig ng pagsabog at pagkaantala ng kanilang kuryente sanhi ng pagka­kadiskubre sa biktima sa itaas ng poste na naka­sabit sa mga kawad.

Agad na sinaklolohan ng mga tauhan ng ba­rangay ang biktima at isinugod sa Zarate General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Inaalam naman ng pu­lisya ang dahilan ng pag-akyat ng biktima sa poste ng kuryente kung saan isang plier ang narekober na dala ni Ramos sa kan­yang pag-akyat na ginamit nito sa pagputol ng “high tension wire” na naging sanhi ng kanyang kama­tayan. (Danilo Garcia)

Show comments