3 holdaper timbog

MANILA, Philippines - Nahulog na rin sa ka­may ng pulisya ang tatlong holdaper ng pampasa­herong jeep makaraang maaktuhan ng mga awto­ridad ang ginagawa ng mga itong panghoholdap sa Sta. Ana, Maynila, ka­hapon ng madaling-araw.

Kalaboso ang mga sus­pek na sina Anthony Ro­ xas, 20; Joseph Reyes, 30, at Michael Masalinas, 27.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa loob ng isang pam­pasaherong jeepney na bumabagtas sa kanto ng New Panaderos at Begornia Sts., Sta. Ana.

Nabatid na sumakay ang tatlong suspek sa na­turang jeepney at agad na nag­labas ng patalim saka nagdeklara ng holdap. Agad na nilimas ng mga ito ang pera at mga kaga­mitan ng mga pasahero, bago nagsilundag upang mag­sitakas. Namataan naman ng mga nagpa­patrulyang pu­lis ang pag­takas ng mga suspect kung kaya hinabol nila ang mga ito at na­abu­tan. (Ludy Bermudo)

Show comments