2 sa riding-in-tandem todas sa enkuwentro

MANILA, PHilippines - Dalawa sa tatlong mi­yembro ng riding-in- tandem gang ang na­­patay sa pakikipagba­rilan sa rumespondeng mga pulis ilang minuto maka­ra­ang hol­dapin ng mga suspek ang isang hard­ware sa Brgy. Tali­papa sa Quezon City ka­hapon ng hapon.

Sa pamamagitan ng driver’s lisence, tinukoy ang isa sa mga nasa­wing suspek na si Maximo Aquino Jr., 39, at resi­dente sa #4087 Que Grande St., Brgy. Ugong Valenzuela City. Ang isa pang kasama nito ay natukoy lamang sa tatoo nitong “Diablo 7”, “Rosa” at “Bong D” sa kaliwang braso.

Ayon kay Supt. Alex Sintin, hepe ng Police Station 3, isa pa sa mga suspek ang tinutugis nila na siyang may dala ng perang nakuha sa Mclain Hardware.

Sinabi pa ni Sintin na ang mga sus­pek ang res­ponsable sa serye ng pang­­ho­holdap sa mga maliliit na negosyante sa kahabaan ng Mindanao Avenue at Tandang Sora sa naturang lungsod.

Nauna rito, hinoldap ng mga suspek na sakay sa magkahiwalay na motor­siklo ang natu­rang hardware saka tu­makas tangay ang hindi maba­tid na halaga ng salapi.

Naialarma agad sa pulisya ang pangyayari kaya nagawang habulin ang mga suspek pero nakipagbarilan ang mga ito hanggang sa ma­patay ang da­lawa sa mga holdaper. (Ricky Tulipat)

Show comments