Ex-military at police, sinisilip sa Walter Mart holdup

MANILA, Philippines - Karamihan sa mga suspek na nagtangkang manloob sa armored van sa loob ng Walter Mart sa lungsod Quezon ay mga dating pulis at military personnel.

Ito ang ipinahayag ni Chief Inspector Benjamin Elenzano, ng Criminal In­vestigation and Detective Unit ng QCPD, matapos na magpalabas ng artist sketch ng dalawa sa 15 suspect sa naganap na robbery/holdup sa Walter Mart sa Muñoz, noong Lunes.

Ayon kay Elenzano, ang mga nasabing sus­pek ay miyembro ng kilabot na Alvin Flores at Waray-Waray robbery groups, na kabilang din sa grupo na nagsagawa ng serye ng bank rob­beries sa Metro Manila.

Sinasabing nabigo ang mga suspek na ma­kuha ang pera mula sa armored van, base sa pahayag ng manage­ment ng Metrobank na nakabase dito.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, tinangka ng mga suspek na tangayin ang salapi ng van ng Metro­Bank na nasa ground floor ng nasabing mall noong Lunes ng hapon. (Ricky Tulipat)

Show comments