Nagwala dahil sa pag-ibig, napatay

MANILA, Philippines - Bigo na sa pag-ibig ay na­sawi pa ang isang miyembro ng Philippine Army makaraang pag­tatagain at barilin ito ng pinsan ng kanyang babaeng umano’y kanyang kasintahan habang nagwawala ito, kama­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si T/Sgt. Tyron Montes, 30 , dating nakatalaga sa Head Service Group ng Philippine Army. Agad namang nakatakas ang suspek na nakilala pa lamang sa pa­nga­lang Breceldo Tallega, resi­dente ng Llanera St., Phase 4 Pi­naglabanan, Western Bicu­tan, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa tapat ng bahay ng suspek.

Nabatid na nagwawala umano ang bik­tima na armado ng kalibre .45 baril at pilit na isinasama upang magtanan ang isang babae na nagnga­ngalang Maricar na pinsan naman ng suspek na si Tallega.

Nabatid na sinasabi ng biktima na kasintahan umano niya si Maricar na may legal na asawa naman na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino Worker (OFW). 

Tumanggi umano na su­mama si Maricar ngunit naging mapilit ang sundalo na nagwala na. Nang makitang nasasaktan ang kanyang pinsan, dito na nakialam si Tallega na naka­kuha ng pagkakataon at pinag­tataga ang biktima.

Nang du­guan nang naka­lugmok, kinuha pa ni Tallega ang baril ni Montes at pinagba­baril ito hanggang sa matiyak na wala na itong buhay. (Danilo Garcia)

Show comments