Sekyu vs DILG men nagrambulan: 3 sugatan

MANILA, Philippines - Tatlong security guard ang malubhang nasugatan maka­ra­­ang pagbabarilin umano ng grupo ng mga kalalakihang nag­pakilalang mga taga Depart­ment of Interior and Local Govern­ment (DILG) makaraan ang rambulan sa loob ng isang restaurant sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Inoobserbahan sa East Ave­nue Medical Center (EAMC) ang dalawa sa tatlong biktima na sina Bluigard Lopez, 41; at Elu­minado Urgia, 40. Habang ang isa pang ka­samahan nilang si Dominador Medina, 33, ay nasa custody na ng Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD) makara­ang agad na ma­lapatan ng lunas sa na­sabing pagamutan.

Isa naman sa mga suspek na nakilalang si Rufino Bau­tista, 55, ang agad na na­aresto ng tropa ng Police Station 5 ng QCPD.

Sa ulat ng pulisya, nang­yari ang insidente sa may Al-Lee’s Grill Restaurant sa may Com­mon­wealth Avenue at Pearl St., sa lungsod ganap na alas-11 ng gabi.

Nang oras na iyon ay kap­wa nag-iinuman sa loob ang gru­po ng mga biktima na pa­wang mga security guard at ang grupo ng mga suspek na nag­pa­kilala umanong mga taga-DILG. Sa hindi mala­mang ka­dahi­lanan, biglang nag­karoon ng ma­­initang pagtatalo ang mag­kabilang grupo dahilan upang mauwi ito sa rambulan.

Nasa kainitan ng rambulan nang mag­bunot ng baril umano ang naarestong sus­pek at pina­pu­tukan ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na nagsi­pagtakas ang mga suspek, ngunit bago tulu­yang lumayo ay pinapu­tukan pang muli ng mga ito ang tatlong sekyu dahilan upang magtamo ang mga ito ng sugat sa kanilang mga katawan.

Sa pagresponde naman ng awtoridad ay naaresto si Bau­tista habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa insidente na ayon sa pu­lisya ay posibleng kapwa mag­sampa ng reklamo ang magkabilang panig. (Ricky Tulipat)

Show comments