Fetus sa lata, natagpuan

MANILA, Philippines - Isang fetus na tinata­yang 3 hanggang apat na buwang gulang na fetus ang natagpuan ng mga elementary students ng isang pampublikong pa­aralan na nakasilid sa isang lata ng milk for­mula, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga nang mapansin ng isang Ran­dy Galvez, construction worker na namamasukan sa itinatayong gusali sa loob ng Delos Santos Elementary School, ang mga estudyante na inu­usyuso ang isang lata ng gatas, sa Malvar st., Ermita. Nang silipin ang laman ay isang fetus na di pa batid ang kasarian. Posible umanong itinaon na madilim pa nang itina­pon sa harapan ng es­kwela­han ang fetus. (Ludy Bermudo)

Show comments