Pulis biktima rin ng Parañaque shootout

MANILA, Philippines - Biktima rin ang mga pulis sa naganap na pakikipagbarilan ng pu­lisya sa isang grupo ng mga holdaper sa Pa­rañaque City noong Dis­yembre 2008.

Ito ang idiniin kama­kailan ni Lilybeth Gu­tierrez, misis ni Senior Superintendent Eleu­terio Gutierrez.

Si Supt. Gutierrez na team leader ng highway patrol group ng Philippine National Police ay kabi­lang sa mga malub­hang nasugatan sa pa­ki­ki­paghabulan at paki­ki­pagbarilan sa mga hol­daper sa United Paraña­que Subdivision 4.

Sinabi ni Lilybeth na dapat maunawaan ng publiko na ilang pulis ang nabiktima rin sa insidente at kabilang dito ang kanyang asawa na nasa malubhang kala­gayan pa rin sa V. Luna Hospital at kailangang operahan. Humingi siya ng dasal para sa kan­yang kabiyak.

“Sana ay wag husga­han ang mga pulis na isinuong ang kanilang buhay para magam­pa­nan ang kanilang tung­kulin. Dahil sa pangya­yaring ito ang asawa ko ay nag­karoon ng ha­bang­buhay na kapan­sanan,” sabi pa niya.

Noong nakaraang taon din, nagbigay ng tulong na salapi kay Gutierrez ang PNP Badge of Honor Foundation.

Show comments