MPD libre sa camouflage

MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng De­part­ment of Interior and Local Government ang ka­hili­ngan ni Manila Mayor Al­fredo Lim na ilibre sa pag­susuot ng ca­mouflage uniform ang mga miyem­bro ng Manila Police District.

Nabatid na iniutos ni DILG Undersecretay Da­nilo Valero na ipagpaliban ang inspeksyon sa mga pulis na inasahan sanang isasagawa kamakalawa.

Noong Biyernes, du­mu­log ang Manila‘s Fi­nest Brotherhood Association, Inc hinggil sa ki­nuku­wes­tiyon nilang pag­su­suot ng camouflage na uniforms na dapat lamang umano ay sa sundalo o special forces sa mga ka­guluhan.

Magdudulot din uma­no ng pangamba sa mga mamamayan ng lungsod kung makikita ang pa­wang unipormado ng ca­mou­flage ang mga pulis at baka isiping nasa ilalim na ng ‘martial law’ ang bansa. (Ludy Bermudo)

Show comments