Paslit hulog sa truck, patay

MANILA, Philippines - Isang 8-anyos na batang lalake ang nasawi nang aksi­den­teng mahulog ito sa sina­sakyang truck sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Jayson Aresgado, ng Golden shower St., Payatas B. ng na­banggit na lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Golden Shower Litex Road sa lung­sod pasado alas-2:10 ng ma­daling-araw.

Sinasabing sakay ang bik­tima ng minamanehong Isuzu dropside truck (XFT-681) ni Glen Dumlao, 30, at tinatahak ang lugar nang bigla itong mahulog.

Sa pagkakahulog ng bik­tima ay nagtamo ito ng gra­beng pin­sala sa katawan, sanhi upang itakbo ito sa Fairview General Hospital ngunit pasado alas-3:30 ng madaling-araw ay bi­nawian ito ng buhay. Ayon sa imbestigas­yon, ang biktima ay nakaupo sa pas­senger seat nang big­lang bumukas ang pinto nito at ak­sidenteng mahulog sa kalsada.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

Show comments