MANILA, Philippines - Kambal na fetus na nasa 3 hanggang 4 na buwan ang itinapon sa bakanteng lote, sa Tondo, Maynila.
Hinininalang bagong abort pa lamang ang kambal , na hindi pa makita ang kasarian, at nababalot pa ng sariwang dugo at nakasilid sa kahon na karton ng orange juice. Natagpuan ang mga ito sa bakanteng lote sa may C.P. Garcia St., Tondo, dakong alas-9:00 ng umaga.
Ayon kay Dominga Opo, 49, nagsasampay siya sa bakanteng lote nang mapansin niya ang ang duguang karton at nang silipin ay ang 2 fetus. (Ludy Bermudo)