Holdaper kinuyog, patay sa bugbog

MANILA, Philippines - Tuluyang binawian ng buhay sa Ospital ng Sampaloc ang isa sa dalawang holdaper ng pampasaherong dyip na kinuyog at binugbog ng taumbayan matapos ang ginawang pangho­holdap, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasawing suspek na si Wilson Ramos, tina­tayang nasa 25-30 anyos, miyembro ng Sputnik gang ng   Capulong St., Tondo.

Ang isa pang suspek na sugatan dahil din sa bugbog ay kinilalang si Joseph Salazar, 29, miyembro din ng Sputnik, resi­dente ng Guadal Canal St., Old Sta Mesa, Maynila ay nakapiit na sa Manila Police District-station 4.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 8:15 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng Algeceras at Prudencio Sts., Sampaloc. (Ludy Bermudo)

Show comments