Welder lumutang sa creek

MANILA, Philippines - Sa halip na sa pier sa Maynila, sa isang creek na lamang sa Pasay City natagpuan ng isang tiyuhin ang kanyang pamangkin na isa nang bangkay ma­karaang misteryoso itong ma­wala matapos na lumu­was mula sa kanilang pro­binsya kamakalawa ng hapon.

Bangkay nang uuwi sa kanilang bayan sa Buena­vista, Agusan del Norte ang 25 anyos na si Oscar Hermoso Jr., welder, na natagpuang wala nang buhay sa gilid ng creek sa may Roxas Blvd. dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Iluminado Her­moso, 54, tiyuhin ng bik­tima, lumuwas ng May­nila ang kanyang pamang­kin matapos na kanyang ma­ipasok bilang welder sa pinapasukan niyang con­struction site.

Kanya umano itong su­sunduin sa Pier 15 sa Ma­nila North Harbor no­ ong nakaraang Sabado ngunit hindi sila nagkita nito. Nagulat na lamang siya nang makarating sa kanya ang balita ng pag­ka­ka­tagpo ng bangkay ng kan­yang pamangkin na kan­yang positibong ki­nilala ang bangkay sa Veronica Funeral Homes. (Danilo Garcia)

Show comments