Estafa inihain ng hotel vs Briton

MANILA, Philippines - Nakulong ang isang British national matapos mabigong mabayaran ang kanyang hotel bills na umabot sa P40,000 sa Ermita, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Nahaharap pa sa kasong estafa sa City Prosecutor’s Office ang suspek na si Chris Tomas, pansamantalang nanunuluyan sa Best Western Hotel-La Corona sa 1166 M.H. Del Pilar St., Ermita dahil sa reklamo ng kinatawan ng hotel na si Michael Dela Cruz.

Sinasabing nag-check-in ang suspek sa nasabing hotel noong Agosto 10 at nagbigay ng down payment na P4,600.

Subalit umabot na nang halos 20 araw ang di nababayaran ng dayu­han kaya kinausap ito upang singilin sa nakon­sumong pagkain at pa­tuloy na paggamit ng hotel amenities pero tu­manggi pa rin itong mag­bayad.

Nang ipa-aresto sa pulisya, umamin ang dayuhan na wala siyang pera at ang kaibigan lamang nito ang nagbi­gay sa kaniya ng pang-downpayment. (Ludy Bermudo)

Show comments