Koreanong nanampal ng Pinay, timbog ng BI

MANILA, Philippines - Ipinaaresto ni Immigration Commis­sioner Marcelino “Nonoy” Libanan ang isang Korean national dahilan sa pana­nampal sa isang Pinay na nagtatrabaho sa kanyang Karaoke bar sa Maynila.

Kasalukuyang nakapiit si Kim Byung Ju, 34-anyos sa Immigration Jail sa Bicutan matapos itong maaresto ng BI Law enforcement Division (LED).

Ang pag-aresto kay Ju ay base sa mission order ni Libanan kayat kaagad itong naaresto sa loob ng New Boss Korean Karaoke bar na matatagpuan sa panu­lukan ng M.H del Pilar at Salas Streets, Ermita, Maynila. Bukod dito kaagad ding ipinag- utos ni Libanan ang pagpapatapon dito palabas ng bansa dahil sa pagiging undesirable at illegally working alien dahil sa ito rin ang nagsisilbing manager ng kanyang karaoke bar ng walang kaukulang permiso mula sa BI matapos itong dumating sa bansa noong Hunyo 25. Si Ju ay hinihinalang miyembro din ng Japanese Mafia. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments