Bagong opisyal ng QCPD Press Corps, nanumpa

MANILA, Philippines - Pormal nang nanumpa ang mga opisyales ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC) kasama ang photographer ng pahayagang Philippine Star bilang auditor na gina­nap sa Shangri-La Finest Cuisine, Times St., Brgy. West Triangle, Que­zon City.

Ang mga opisyales para sa taong 2009-2010 ay pinangunahan nina Almar Danguilan ang president, Jimmy Carbo (People’s Tonight) Vice President, Lily Reyes (Abante) secretary, Boy Santos (Phil. Star) auditor, Mike de Juan (Manila Standard) treasurer, Arturo Lacscon, chairman of the board (People’s Journal); Directors naman sina Jun Fabon (Balita), Jojo Perez (Daily Tribune), Alex Men­doza (Hataw), Jun Mestica (Remate Tonight), Alex Ching (Remate), Danny Santos (DZAR), Ramon Estabaya (Hataw) at Rey­naldo Argana (Police Files) - Sgt. at Arms; at Hermie Abuan (DZRB) bilang PRO.

Ito ang ikalawang ter­mino ni Danguilan bilang pangulong QCPDPC na nagsimula noong 1999 hanggang 2002.


Show comments