Biyenan sabit, mister inabsuwelto: Suspects sa Ruby Rose slay kinasuhan ng DOJ

MANILA, Philippines - Isinampa kahapon ng Department of Justice sa Malabon Regional Trial Court ang kasong murder laban sa mga suspek sa pagpaslang sa kapatid ni movie actress Rochelle Barrameda na si Ruby Rose B. Jimenez.

Kabilang sa kinasuhan sina Manuel Montero, Manuel Jimenez Jr. na biye­nan ng biktima, kapatid nitong si Lope Jimenez, Eric Fernandez, Leonard Descalzo at Robert Ponce.

Ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban sa asawa ni Ruby na si Manuel Jimenez III at isang Rudy dela Cruz dahil sa ka­walan ng ebidensya laban sa mga ito.

Itinuturong utak sa kri­men ang magkapatid na Manuel Jr. at Lope base sa naunang testimonya ni Montero.

Wala namang inireko­men­dang piyansa ang Department of Justice para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

Ipinauubaya naman ng DOJ sa korte kung ga­gawing state witness si Mon­tero laban sa mga Ji­menez.

Matatandaan na natag­puan ang bangkay ni Ruby Rose sa karagatan ng Na­votas na nakasemento at nakasilid sa steel cabinet matapos itong maiulat na na­wawala simula noong Marso 2007.


Show comments