Kusinero inatado dahil sa renta

MANILA, Philippines - Isang chef o kusinero ang namatay nang pagsa­sak­sakin ng kanyang ka­ibigan dahil sa pagtatalo sa renta ng kanilang inuupa­hang kuwarto sa Bagong Pag-asa, San Roque II, Quezon City kahapon.

Nakilala ang biktima na si Joseph Manuel Campos, 25, binata, na namatay ha­bang gina­­gamot sa East Avenue Medical Center bu­nga ng dalawang tama ng saksak sa dibdib.

Mabilis namang tumakas at nagtago ang suspek na si Michael Perez.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang pananaksak sa may harap ng inuupa­hang kuwarto ng biktima at suspek sa 274 Misare St., Agham road, Bagong Pag-Asa.

Nagtalo ang dalawang lalaki hingil kani-kanilang bahagi sa nirerentahang kuwarto. Hindi naman tinu­koy sa ulat kung magkano ang bayad sa inuupahan nilang kuwarto.

Ayaw umanong magbi­gay ng share ang suspek kaya naging mainit ang pagtatalo hanggang sa magbunot ito ng patalim at saksakin ang biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments