Estudyante patay sa gang war

MANILA, Philippines - Napatay ng kalabang grupo ng kabataan ang isang 17-anyos na high school student sa isang rambulan sa Tondo, May­nila kamakalawa ng gabi.

Nalagutan na nang hi­ninga nang maipasok sa Tondo Medical Center ang biktimang si Alfredo Gusi ng Timoteo Paez High School at residente ng Patria st., Balut, Tondo da­hil sa isang bala na tuma­ma sa kaniyang likuran.

Kalalabas lamang ng bahay ni Gusi upang mag­tu­ngo sa kalapit na tinda­han nang makasama ang mga kaibigan at salubungin na­man ng kalabang grupo din ng kabataan sa Rodri­guez St., Barangay 134 Zone 2, Tondo.

Dalawa sa kalabang grupo umano ang nagpa­putok ng baril sa biktima at isa ang tumama sa likod nito habang tumatakbong pa­palayo.

Ang mga kaibigan ng biktima ay nagkanya-kaniya ng takbo rin dahil sa takot na mabaril. (Ludy Bermudo)

Show comments