2 binata timbog sa panghahalay sa nene

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang dalawa sa limang kala­lakihan matapos na uma­no’y pagsamantala­han at abusuhin nila ang isang 13-anyos na nene sa Que­zon City kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala   ang mga sus­pek na sina Edward Sole­dad, 18; at Mark Anthony, 23; kapwa nakatira sa Randy St., North Fairview, Quezon City.

Ayon sa ulat, ganap na alas-4:30 ng madaling- araw nang matagpuan ang biktima na walang saplot sa loob ng pampasa­he­rong jeep sa Phase 8, North Fair­view, Quezon City.

Base sa sinumpaang sa­laysay sa pulisya ng bik­timang itinago sa panga­lang Anita, ng North Fair­view, pauwi na sana siya sa probinsiya, ngunit bago umalis ay nakipag-inuman umano siya sa mga kaibi­gan sa may Phase 8 sa nasabing lugar.

Sinasabing nagising na lamang ang biktima na ma­hina at nananakit ang kan­yang buong katawan dulot ng nasabing pangha­halay.

Itinanggi naman ito ng mga suspek. (Ricky Tulipat)

Show comments