Seguridad sa death anniversary ni Ninoy, ikinasa

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Southern Police District (SPD) ang preparasyon para sa pagbibigay seguridad sa da­rating na ika-26 na ani­ber­saryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa darating na Biyernes.

Sinabi ni SPD Director, Chief Supt. Jaime Calung­sod na nakatutok sila sa mga preparasyon sa Para­ñaque City kung saan naka­himlay ang labi ng dating Senador sa Manila Me­morial Park at sa Makati City kung saan naka­tirik naman ang rebulto nito.    

Inatasan na nito ang kan­yang mga opisyal na maki­pag-ugnayan sa pa­milyang Aquino at sa mga organizer ng mga programa at akti­bi­dad upang matiyak na ma­ging matiwasay ang ga­ganaping okasyon. (Danilo Garcia)


Show comments