Walang panggastos sa panganganak ng misis, driver nagbigti

MANILA, Philippines - Inunahan ng pagpapaka­ma­tay ng mister ang papara­ting na problema sa gastusin sa pa­nganganak ng kanyang misis sa pamamagitan ng pag­­bibigti sa loob ng kanilang inu­upahang kuwarto sa Tondo, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Christopher Villa­nueva, jeepney driver at resi­dente ng Pinoy St., Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas- 3 ng hapon nang madiskubre ng kanyang misis na si Emilia Baesal, ang mister na naka­bigti gamit ang nylon cord sa tabi ng kanilang bintana.

Ayon umano kay Emilia, ban­dang tanghali ay nag-uusap silang mag-asawa hing­gil sa kung saan kukuha ng gagas­tusin sa panganga­nak niya dahil kabuwanan na nito. Bukod pa rito, halos araw-araw ay kina­kapos sila sa pang­gastos ka­bilang na ang pambili nila ng pagkain, lalo’t mada­dag­ dagan pa ang lima nilang anak.

Daing umano ng biktima kay Emilia na gusto niyang ma­ka­raos ang pamilya sa sob­ rang hirap subalit wala siyang ma­gawa dahil mas madalas itong walang labas ng pam­pa­sa­herong dyip o pa­ekstra-ekstra lang. Ilang san­dali pa nga ay nakita na ang naka­bigting mister.

Inamin ni Emilia na ika­la­wang pagkakataon na ito sa pagtatangka ng mister na wakasan ang buhay. Noong nakalipas na taon umano ay umuwi silang pamilya sa Bu­lacan at dahil din sa prob­lema sa pera ay nagtangka itong magpatiwakal na na­agapan lamang. (Ludy Bermudo)


Show comments