Pia Moran, 10 pa arestado sa droga

MANILA, Philippines - Labing-isa katao kabilang ang dating aktress na si Pia Moran ang naaresto ng mga tropa ng Phi­lip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang pagsa­lakay na gi­nawa sa isang taha­nan na ginagawang shabu den sa lung­sod Que­zon kamaka­lawa.

Ayon kay PDEA spokesman Derek Carreon, sa kasalu­ku­yan si Moran o Susan Casino sa tunay na buhay, at ang 10 pang naaresto ay na­kapiit sa kanilang tanggapan habang inihahanda ang ka­song isasampa laban sa mga ito.

Ang pagsalakay ay ginawa sa pama­ma­gitan ng search warrant na ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Fer­nando Sa­gun Jr., pa­sado alas-8 ng gabi matapos makatang­gap ng im­pormasyon ang PDEA na isang bahay sa Novali­ ches ang gina­ga­wang drug den.

Sa isinagawang operasyon, naaktu­han si Moran at 10 pang mga suspect na nag­pa-pot session.

Sinasabing mina­mantine ang natu­rang tahanan ng isang Rey­naldo La­ngosa na matatag­puan sa Pe­chayan St., Brgy. Maligaya Novaliches.

Dekada 80 nang pumailanlang ang pa­ngalan ni Pia Moran sa showbusiness dahil sa galing nitong su­ma­yaw na naging ugat upang tagurian siyang “body language ng local showbiz.”


Show comments