Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Isang hindi nakilalang bangkay ng lalaki na pinani­niwalaang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Maynila. Ang hindi naki­kilalang biktima ay tinatayang nasa gulang na 25-26, may taas na 5’6’’, unat ang buhok at nakasuot ng t-shirt na kulay asul na may puting stripe at maong na pantalon. Bukod dito, may tattoo rin ito na korteng puso sa kaliwang hita at “BCJ” sa katawan.

Natagpuan ang biktima na nakasilid sa sako, balot ng packaging tape ang mukha, sakal ng strap ng bag ang leeg at nakagapos ang mga kamay patalikod dakong alas-4 ng madaling-araw sa panulukan ng Carpena at Severino Sts., Quiapo, Eastside ng Mabini Elementary School, sa Quiapo, Maynila. (Ludy Bermudo)

Show comments