MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa isang entrapment operation sa isang shopping mall sa Maynila kahapon ang isang umano’y illegal recruiter na nangangalap ng mga Pilipino upang mamasukang tomato-picker sa New Zealand bagaman hindi totoong may naghihintay sa kanilang trabaho roon.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Ma. Dolores Racelis Nacorda, 43, alyas na “Madel Ladines Puno,” at “Lorena T. Ladines,” at residente ng Lucban, Quezon at Gabon Abon, Abucay, Bataan. (Ludy Bermudo)
MRT coach dadagdagan
MANILA, Philippines - Magdaragdag ng coaches sa linya ng MRT ang Metro Rail Transit Authority para matugunan ang buhos ng dami ng mga pasahero rito na umaabot ng kalahating milyon kada araw. Ayon kay MRT general manager Reynaldo Berroya, nakaplano nang gawing apat ang dating 3 coaches ng MRT at paikliin sa dalawang minuto ang dating tatlong minute interval ng biyahe nito. (Angie dela Cruz)
Mekaniko dinampot
MANILA, Philippines - Isang 40 anyos na mekanikong si Arnel Valerio ng Ulingan St., Barangay Lawang Bato, Valenzuela City ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa niya sa kanilang 18 anyos na katulong na itinago sa alyas na Thelma sa loob ng kuwarto nito noong Linggo at Lunes. (Lordeth Bonilla)