Nakawan sa opisina ni Herbert binubusisi

MANILA, Philippines - Kasalukuyang ini­imbestigahan ng pu­ lisya ang nakawan sa tang­gapan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista.

Naunang inireport ng isang tauhan ni Bautista na si Darius Flake na isang photo­grapher na, noong Martes, biglang nawala sa kanyang locker ang kanyang ma­mahaling laptop.

Naniniwala naman ang awtoridad na posib­leng inside job ang in­sidente dahil sarado ang locker ni Flake nang ting­nan niya ito.

Nabatid na may na­unang ibang insidente ng mga nakawan sa kan­yang tanggapan. (Ricky Tulipat)

Show comments