Kotse ng duktor pinagliyab

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga residente ng Brgy. So­corro sa Cubao, Quezon City nang muntik nang masunog ang kanilang kabahayan makaraang sabuyan ng isang galong gasolina ng isang hindi nakikilalang lalake ang isang mamahaling kotse na pag-aari umano ng isang doktor dito kaha­pon ng madaling-araw.

Ayon kay Mon Casala ng Brgy Socoro, dahil sa nilikhang malaking apoy, tuluyan nang nasunog ang isang Honda Civic model 1997 ng doktor na si Richard Santos.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang kaso ng arson dahil isang bas­yong galon na gasolina ang natagpuan sa natu­rang lugar matapos ma­apula ang apoy.

Ayon kay Casala, nang­yari ang insidente ganap na alas-12 ng ma­ daling-araw sa may harap ng tahanan ng bik­tima sa #17 10th Avenue, Brgy. Socorro.

Hinihinala ng mga awtoridad na posibleng may matinding galit ang suspek sa biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments