Registration ng mga preso sinimulan na sa Manila City Jail

MANILA, Philippines -  Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Com­mission on Elections (Comelec) na makaka­boto na sa susunod na elek­siyon ang mga kuwa­li­pikadong botante na inmates ng Manila City Jail kasabay ng isinasa­ga­wang registration sa loob mismo ng piitan.

Personal na sinaksi­han nina BJMP Director Ro­sendo Dial at Comelec representative Atty. Erwin Caliba ang regis­tra­tion ng mga inmates kung saan sinimulan ito sa mga bi­langgo na resi­dente ng 3rd District na may bilang na 559 ha­bang umaabot naman sa 4,018 ang in­mates ang nakapiit sa MCJ.

Dadalhin naman sa ibang mga Comelec re­gistration ang iba pang mga inmates na resi­dente ng ibang distrito subalit kailangan lamang ito ng court order.

Ayon kay Dial, ang ka­nilang ginagawang “On-site Registration” ay pa­raan upang maibalik sa mga inmates ang ka­nilang political rights ma­tapos na makulong kung saan ang isa dito ay pag­babawal na makaboto.

Gayundin ang mga in­mates na nasa sa Metro Manila District Jail na kailangang dalhin sa MCJ upang makapagpa­rehistro at makaboto sa 2010 elections.

Kasabay nito, bibig­yan din ng sapat na se­gu­ridad ng mga pulis at ng mga tauhan ng BJMP ang mga in­mates sa oras sa pana­hon ng election.

Kaugnay nito, nanga­ngamba naman si Dial na hindi makapagparehistro ang mga akusado na iti­nuturing na “ high risk” bun­sod na rin ng segu­ridad ng mga ito.

Ipinaliwanag din ni Dial na bagama’t inaasa­han nila na ang pag­dagsa ng mga kandidato at manga­ngampanya, bibigyan nila ng takdang araw at oras ang mga ito upang ma­iwasan ang anumang gulo. (Doris Franche, Ricky Tulipat at Mer Layson)

Show comments