Nagtalo sa pasahe: Konduktor patay sa pasahero

MANILA, Philippines - Patay ang isang kon­duktor matapos barilin sa ari ng pasahero matapos magtalo tungkol sa pama­sahe sa loob ng bus sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa ari ang biktimang si Ariel Ariate, 39, ng San Isidro, Angono, Rizal.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, alas-11:30 ng gabi, katalo ng biktima ang suspek na pasahero na sinasabing nakasuot ng pantalon ng pulis sa loob ng Gasat Bus Liner dahil sa pamasahe.

Pagsapit sa Gate 3, Amparo Subd., Quirino Highway ng lungsod na ito ay nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Dahil sa putok ay hu­minto ang driver na hindi na nakuha ang pangalan na sinamantala naman ng suspek upang makababa ng bus at tumakas.

Dinala naman ang biktima sa nasabing os­ pital kung saan nagsasa­gawa na nang follow-up investigation ang mga pulis hing­gil sa nasabing in­sidente.

Show comments