2 holdaper bulagta sa pulis

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang bumulagta sa mga pulis ma­tapos magtangkang maki­ pag­­ba­ri­lan sa mga nakatala­gang traffic police sa Delpan Bridge, Tondo, Maynila, ka­hapon ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni SPO2 Marcelino Bo­lante ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group-Zero Obstruction, dakong alas-12:30 ng hapon, habang nagsasa­gawa ng checkpoint sa tulay ng Delpan, Tondo ang pulisya nang humingi ng tulong ang isang Jonathan Onasis, 46, may-asawa, ng Las Piñas City.

Ayon kay Onasis, sakay umano siya ng kanyang bisik­leta at nang sumapit sa na­sabing tulay ay bumaba siya sa bike upang itulak na lamang dahil sa pataas nang bigla na lamang siyang lapitan ng mga suspek at tutukan ng kalibre. 38 na baril habang ang isa naman ay sapilitang kinuha ang kanyang cell­phone at wallet.

Matapos makuha ang pakay ng dalawang lalaki, namataan naman ni Onasis, sina SPO4 Rolando Alberto at ilang operatiba ng MPD-Traffic Enforcer kabilang si SPO2 Bolante at nagpa­saklolo.

Sa kabila ng warning shot ni SPO4 Alberto, humarap umano ang dalawa at ti­nangka silang putukan kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok na ikinasawi ng mga suspect.

Narekober ang baril at balisong at nabawi ang cell­phone at ang wallet ni Onasis.

Show comments