Lolo umebak sa estero, nahulog patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang matandang lalaki nang mahulog sa estero habang umeebak, kamakalawa ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Hindi pa kilala ang biktima na inilarawang nasa pagitan ng 50- 5’5, 5’7 hanggang 5’8, katamtaman ang pangagatawan, may balbas at tattoo na “Rosita” sa kanang balikat at walang saplot sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya , dakong alas- 12:30 ng hapon nang mahulog ang biktima sa Estero de Kabulusan, sa tabi ng Puregold Supermarkert sa Old Torres Subd., Tondo.

Sa salaysay ng street sweeper na si Ma. Divina Pineda, habang nagwawalis siya ay nakita niya ang nakalutang na bangkay ng biktima kaya ipinabatid sa pulisya.

Sa pagsisiyasat, huling nakitang nakaupo ang biktima sa ilalim ng tulay at umeebak.

Bukod pa rito, posibleng lasing umano ang biktima dahil madalas ding makitang nakainom o lasing ang biktima, ayon sa mga residente. (Ludy Bermudo)

Show comments