Ibinebentang pang-injection mineral water lang; med rep timbog sa pekeng flu vaccines

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of In­vestigation (NBI) ang isang dating medical representa­tive ng isang kilalang kom­panya ng gamot, na nag-negosyo ng pekeng flu vac­cines upang pagsa­man­ta­lahan ang publiko sa kala­gitnaan ng takot sa AH1N1 flu, sa entrapment opera­tion na isinagawa sa San Pedro, Laguna, sa ulat ka­hapon.

Tinatayang aabot sa P4-milyong halaga ang mga pekeng flu vaccine na nasamsam mula sa mga kahon na ibinebenta sa ha­lagang P3,000 ang isa na na­diskubreng mineral water lang ang taglay ng vials.

Agad na ring nagba­bala si NBI director   Nestor M. Mantaring sa publiko na alamin kung isa sila sa nabiktima ng suspek na si Jennifer M. Cristobal, 28, negosyante at residente ng #19 Lily St., Sampa­guita Village, San Pedro, La­guna. Si Cristobal ay dating medical represen­tative ng Sanofi Pasteur.

Sinabi ni Deputy Direc­tor for Special Investigation Services (SIS) na nagrek­lamo ang mismong Sanofi Pasteur, ang kompanya na gumagawa ng iba’t ibang pharmaceutical products vaccines, kabilang ang VAXIGRIP (Inactivated In­fluenza Vaccine) sa tang­gapan ni NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Di­vision (AFCCD) Assistant Regional Director (ARD) Vicente de Guzman III hing­gil sa nasabing “VAXIGRIP” na ipinapakalat at ibine­benta sa Laguna, na may tatak na Sanofi Pasteur product.

Nang magsagawa ng surveillance at test buys, natukoy na ang suspek na may-ari ng KNJ marketing and/or Prime Gold Ent. at 19 Lily St., Sam­pa­guita Vil­lage, San Pedro, ang pi­nang­ga­gali­ngan ng nasa­bing pekeng bakuna. Nang makabili ang nag­panggap na buyer ng 2 pirasong 5 ml. vials ng VAXIGRIP Multi­dose ay ipinasuri ito at na­tuklasang mineral water lamang ang laman.

Sa bisa ng search war­rants ng San Pedro (La­guna) Regional Trial Court (RTC) Branch 31, sinala­kay ang establisi­mento ng suspek noong Biyernes (Hulyo 24).

Nadakip ang suspek nang muling magbenta ito sa poseur-buyer at nasam­sam sa kaniya ang may 180 vials ng VAXIGRIP vaccines, 10 kahon ng syringes, Prime Gold En­ter­prises official receipts, delivery receipts, certificate of product registration, labels, marketing para­pher­nalia, computer set, telefax at printers na gamit sa mga transaksiyon.

Nabatid na ang ge­nuine VXIGRIP ng Sanofi ay nasa P4-libo ang halaga habang ang pekeng ibine­benta ng suspek ay P3,000. bawat vial.

Ipinagharap na ng ka­song paglabag sa Section 4 (a) kaugnay ng Section 8 ng RA 8203 ( Sale of Counterfeit Drugs) sa San Pedro Laguna Prosecu­tor’s Office si Cristobal.

Show comments