Binata nagbigti

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, natupad ang kagustuhan ng isang 20-anyos na binata ang pagpapakamatay matapos na maabutan itong nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Si Jonathan Montemayor, binata, residente sa 92 V. Luna Extension, Bryg. Malaya sa lungsod ay natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto gamit ang electrical cord ganap na alas-6:45 ng gabi.

Sinasabing ito ang pangalawang pagkakataong nagtangkang magpakamatay ang biktima kung saan nangyari ang una noong nakaraang taon kung saan uminom ito ng ilang pirasong pildoras ngunit dahil naagapan na naidala sa ospital ay nasagip ito. Hindi mabatid ang sanhi ng pagpapatiwakal ng biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments