Lim wala munang abroad

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi muna siya magtutungo sa ibang bansa para makadalo sa mga misa para sa paggaling ni dating Pangulong Corazon Aquino na duma­ranas ng sakit na colon cancer. Takda sanang pumunta ni Lim sa Behai, China sa susunod na buwan dahil sa imbitasyon ng mga opisyal doon pero, dahil kay Gng. Aquino, mag­pa­padala lang muna siya sa naturang bansa ng isa niyang kinatawan. Sinabi ni Lim na ayaw niyang lumi­ban sa anumang healing mass para kay Aquino. (Doris Franche)


Show comments