Bomba natagpuan sa banko

MANILA, Philippines - Isang malakas na uri ng bomba ang natagpuan sa gusali ng isang banko, ka­hapon ng umaga sa Parañaque City.

Batay sa ulat ng Parañaque City Po­lice, pasado alas-7 ng umaga nang madis­kubre ang nasabing eksplosibo sa hara­pan o entrance mismo ng gusali ng sa­ngay ng Union Bank, Rodeo Bldg., Kilo­meter 18, West Service Road, nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang naglilinis ang maintenance crew ng nasabing banko na si Serafion Palo-Palo, 53, nang mamataan nito ang isang bagay na nakabalot sa packaging tape at may mga nakalawit na wirings. Agad namang ipinagbigay-alam ni Serafion sa mga sekyu ng banko ang nadiskubreng eksplosibo na agad ring itinawag sa himpilan ng pulisya.

Nang suriin naman ng mga rumespon­deng kagawad ng Parañaque-SWAT team ang eksplosibo, dito napag-alaman na ito ay naglalaman ng 143.5 gramo ng C-4, fuse, timer, at blasting cap kung saan po­sible umanong magiba nito ang gusali ng banko o kahalintulad ng isang bungalow-type na gusali kung nagkataon na su­mabog ito. Agad namang pinalabas ang lahat ng tao sa loob ng banko at noon din ay pina­sabog ng operatiba ang naturang eksplo­sibo upang hindi na maka-pinsala pa sa buhay at ari-arian.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pu­ lisya kung anong grupo ang may kaga­ga­wan sa naturang insidente at kung ano ang motibo ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments