Taguig City umalerto sa banta ng terorismo

MANILA, Philippines - Isinailalim na ng pulisya simula kahapon sa “height­ened alert status” ang Taguig City matapos makatanggap ng impormasyon ng posibleng pag-atake ng isang grupo ng mga terorista sa lungsod.

Ayon kay Taguig Police Chief, Sr. Supt. Camilo Pan­cratius Cascolan na ikinasa ang mahigpit na pagba­bantay sa seguridad ng lungsod partikular sa Fort Boni­facio bunga na rin ng intelligence report na target ito ngayon ng mga terrorista. Kabilang sa masusing bina­ban­tayan ngayon ang mga pampublikong lugar, mga tanggapan ng pama­halaan, mga business establish­ments, educa­tional at mga religious institutions.

 Kinumpirma pa ni Cascolan na nahaharap ngayon ang Taguig City sa banta ng pag-atake ng grupo ng international terrorist na ang balak ay manabotahe upang lumpuhin ang ekonomiya ng bansa. Ang posibleng pag-atake ay maaaring kahalintulad umano ng five star hotel bombings sa Indonesia. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments