Holdap: Driver todas, amo sugatan

MANILA, Philippines – Patay ang isang family driver at sugatan naman ang amo nito matapos barilin at hol­dapin ng dalawang kala­laki­han na sakay ng motor­siklo kahapon ng umaga sa lungsod ng Caloocan.

Dead-on-arrival sa paga­mutan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang bikti­mang si Bernas Nickson, 30, stay-in driver ng Vista Verde, Kaybiga ng lungsod na ito.

Ginagamot naman sa Lour­des Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang hita ang amo nitong si Arnel David, may-ari ng isang piggery.

Ayon sa ulat, alas-8 ng umaga nang maganap ang insi­dente habang binabagtas ng mga biktima ang kaha­baan ng Gen. Luis St., Kay­biga ng lung­sod na ito lulan ng isang Isuzu pick-up (XMS-656) nang hara­ngin ng mga sus­pect at saka nag­deklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang isang milyon na ide­deposito sana ng mga bik­tima sa isang bangko bago sila pinagbabaril.

Matapos ang inisdente ay tumakas ang mga suspek sa­kay ng isang pulang mo­ tor­siklo na hindi na na­kuha ang plaka.


Show comments