MANILA, Philippines - Inaasahang, sa Abril ng susunod na taon, maitatayo sa loob ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City ang isang museum na kapapalooban ng aklatan, bookstore, mga historical element at iba’t ibang ambag ng mga sociologist, guro, museum practitioner, at heritage at cultural expert.
Naihain na kay Mayor Feliciano Belmonte ang blueprint ng struktura at may itinakdang bidding para rito nitong buwang ito bukod sa naipagkaloob sa Palafox Associates ang kontrata para sa disensyo ng gusali.
Ayon kay Vice Mayor Herbert Bautista at sa QC Ladies Foundation na pinangunguluhan ni Joy Belmonte-Alimurong, ang QC Museum ang magiging unang social history museum ng bansa at magtatampok din sa mga pangangailangan, hamon at mga isyu sa lunsod.