Padre de pamilya nakuryente, todas

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang isang ama ng tahanan dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan makaraang makuryente sa switch ng ilaw ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Malanday, Marikina City.

Nasawi habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Federico Matar, 49 anyos, may-asawa at naninirahan sa Talisay street, Barangay Malanday.

Nabatid na biglang nawalan ng ilaw ang bahay ni Matar nang kumislap ang kanilang bumbilya.  

Tinangka namang buksan ng biktima ang ilaw nang sa paghawak sa switch nito ay biglang magkikisay dahil sa nabasa pala siya ng tumutulong tubig-ulan sa kanilang bubong. (Danilo Garcia)

Show comments