MANILA, Philippines - Isang Hapones ang natagpuang wala nang buhay matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Navotas.
Kinilala ang biktimang si Ohga Katsuki, 45, hindi pa tiyak ang tirahan.
Blanko pa rin ang pulisya kung sino ang responsable sa kamatayan ng dayuhan. Unang natagpuan ang ka tawan ng biktima na nakalugmok sa panulukan ng Santillan at M. Naval Sts., Brgy. San Jose sa naturang lunsod. (Lordeth Bonilla)