Binatilyo tinarakan, itinapon pa sa dagat

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 17-anyos na binata na puno ng tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng   katawan ang natagpuan, ka­hapon ng umaga sa karagatan ng Las Piñas City.

Kinilala ang biktima sa pa­ngalang Jason ng Bulungan Fish Port, Parañaque City.

Batay sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ng ilang mga residente ang bang­kay ng biktima na lulutang-lutang sa coastal line ng Fisher­men’s Village, Pulang Lupa 1, Las Piñas City.

Agad namang ipinagbigay-alam ng mga residente ang pagkaka-tagpo sa biktima kung saan nang suriin ng mga awto­ridad, nadiskubreng tadtad ito ng saksak sa katawan.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na sa ibang lugar pi­natay ang biktima at saka itina­pon sa dagat hanggang sa ma­tagpuan Las Piñas City.

Isang masusing imbestigas­yon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Rose Tesoro)

Show comments